Sunday, April 18, 2010

Twenty Questions Ni Juan Ekis

MGA TAUHAN

Jigs = Fresh grad. Kabarkada ni Yumi. Magtatrabaho
bilang researcher sa isang financial firm

Yumi = Commercial Model. Kabarkada ni Jigs. 2 years
ahead kay Jigs.

TAGPO

Gabi. Sa isang kwarto ng isang beach resort.
Naglalatag ng kumot si Jigs sa sahig habang inaayos ni
Yumi ang kanyang higaan.

YUMI Sige na, Jigs. Huwag ka nang magpaka-gentle man.
Naaawa ako sa'yo e. Tabi na tayo sa kama.

JIGS Hindi, okay lang ako dito.

YUMI Huwag ka nang maarte. As if naman re-rapin kita
no. Malaki naman itong kama e. Hatiin na lang natin sa
gitna.

JIGS Sure ka?

YUMI Hindi mo naman siguro ako mamanyakin no?

JIGS (Matatawa) Okay ka lang?

YUMI Kung gusto mo, gamitin na lang natin iyang kumot
na divider.

JIGS Good idea.

Isasampay nila ang kumot mula sa kisame para mahati
ang kama sa gitna. Magsesettle down ang dal! awa.
Ilalabas ni Jigs ang libro niya: "Puppy Love and other
Stories" ni F. Sionil Jose. Si Yumi naman ay
magpapatugtog ng Japanese Zen Music habang
nagsa-zazen.

YUMI Do you mind?

JIGS No, go ahead. I'm just reading.

Magsa-zazen si Yumi. Magbabasa si Jigs. Pareho silang
di maka-concentrate. Papatayin ni Yumi ang CD player
niya.

YUMI I can't believe our friends.

JIGS Oo nga e.

YUMI Dapat ginagawa nila ito sa mga bagong pasok sa
barkada o kaya
sa bagong...ay oo nga pala. Bagong graduate ka.
Congrats.

JIGS Thanks.

YUMI So what are your plans?

JIGS Kinukuha akong researcher sa ADB. Kinukuha rin
ako ng BPI sa OTP nila.

YUMI Wow naman. In demand.

JIGS Di naman masyado. Who the hell invented this
tradition anyway?

YUMI (Matatawa) You won't believe it.

JIGS Ikaw?

YUMI Malay ko ba na mabibiktima rin ako nito
balang-araw.

JIGS So why did you start it?

YUMI Wala ka pa sa tropa! nun e. Freshman ka pa lang
siguro noon. Wala lang. Napagtripan lang namin si
Ronald. E may crush siya kay Meg. Noong unang beses
magpunta rito ng barkada, sabi ko, magsimula kami
ng tradition. Ilo-lottery namin ang pangalan ng mga
lalaki at ng mga babae. Kung sino ang mabubunot,
silang dalawa ang pagsasamahin sa isang kwarto sa loob
ng tatlong araw. And then, we¹ll all see what
happens. Pero dinaya namin noon yung kay Ronald at
Meg. Puro Ronald at Meg ang mga pangalan na nakalagay
sa lottery.


JIGS (Tatawa) Ang sama ninyo!

YUMI Kaya nga nakarma na ako e.

JIGS So is our case, dinaya? O talagang lottery?

YUMI (Teasing) Ano sa dalawa ang gusto mo?

JIGS Feeling ko may nagtrip sa akin sa barkada e.

YUMI Excuse me po, dalawa tayong biktima dito. I don't
see any reason
kung bakit tayong dalawa ang sasadyaing biktima this
year, unless may crush ka sa'kin na di ko alam at alam
nila (tatawa).

JIGS Baka ikaw (tatawa).

YUMI ! The success rate of this tradition is 100% so
far.

JIGS I was here na the 2nd time. Si Chris at si Cia
ang biktima.

YUMI And last year were Rod and Kay. They're getting
married kailan? Sa June yata.

JIGS What do you expect? Ikukulong mo ang isang lalaki
at isang babae
sa isang kwarto for three days, imposibleng walang
mangyari doon!

YUMI That was exactly my point. (Ngingiti)

JIGS E kung may madisgrasya?

YUMI Anong disgrasya?

JIGS Alam mo na 'yun!

Hahawiin ni Yumi ang divider nilang kumot.

YUMI Ano? Sex? Pano kung magsex sila? Nakakatawa ka
naman. Di mo masabi.

JIGS Ang alin?

YUMI Ang sex!

JIGS Hah!

YUMI Sige nga sabihin mo nga?

JIGS Para kang tanga. Tumigil ka nga.

YUMI Shet, Jigs. Graduate ka na totoy ka pa rin!

JIGS Excuse me?

YUMI Sabihin mo nga: Sex! Sex! Sex! Sex!

JIGS Para kang bata, Yumi ha.

YUMI You used to call me ate Yumi when you wer! e in
third year.

JIGS Well, graduate na po ako, ate Yumi.

Tahimik.

JIGS Hmmm. I wonder if we're gonna last three days.

YUMI (Teasing) Bakit? Ayaw mo sa'kin?

Di sasagot si Jigs.

YUMI We're gonna survive this one.

JIGS What makes you so sure?

YUMI No offense, Jigs. I honestly find you very
attractive pero I've no
time for this. Alam mo naman siguro na kakabreak ko
lng

JIGS Same here.

YUMI Same here what? Na you find me attractive o you
don't have time
for this? (Matatawa)

Di sasagot si Jigs. Tahimik. Io-on ulit ni Yumi ang CD
player at ipagpapatuloy ang zazen. Itatabi ni Jigs ang
libro. Nawalan na siya
ng ganang magbasa. Pupunta siya sa ref. Bubuksan niya
ito.

JIGS Hah! (Sarcastic) Perfect! Red Wine! How very
conducive.

YUMI May chips ba diyan?

JIGS Sa awa ng Diyos, may tsibog naman.

Papatayin ni Yumi ang CD player. Tatayo siya at kukuha
ng chips sa ibabaw ng ref.
!
YUMI Since we're gonna be stuck naman with each other
for three days,
might as well make the best out of it di ba? I-enjoy
na lang natin.

JIGS What do you mean?

YUMI Get the wine, let's have a drink! 50 hours to go
na lang and we're
gonna be the first failure of this tradition.

JIGS Oo nga. (Kukunin ang wine. Maglalagay sa dalawang
baso.) When they chose Cia and Chris, naiintindihan ko
pa e. Lalo na sina Rod and Kay. Kung baga, tinulungan
lang natin silang umamin sa isa¹t isa. Pero
us...


YUMI So you're not gay.

JIGS No.

YUMI You never...

JIGS Ilang beses ka ba ipinanganak? Kulit mo e. It's
my turn.

YUMI Homophobe ka no?

JIGS Hindi kaya!

YUMI Whatever...

JIGS Ako na, daya mo naman e.

YUMI Okay, okay. Shoot me.

JIGS How do you see yourself five years from now?

YUMI You expect to win this game? Ang kokorni ng mga
tanong mo e.

JIGS The object of this game is not to win.

YUMI E ano pa ba?

JIGS To get to know the other person.

YUMI Sure. Basta ako, I will win this game. Walang
thrill ang isang game kung walang nananalo.

JIGS Sagot.

YUMI May time limit ba 'to? (Tatawa) Wine pa nga.

JIGS Sabi nga nila: in vino veritas.

Magsasalin si Jigs ng wine.

YUMI Masarap ang wine, ha? Saan kaya nabili ito?
(Iinom) To answer your
question, either maging entrepreneur ako, magsisimula
ako ng sarili kong botique or bar, o kaya, m! agiging
artista ako sa pelikula.

JIGS Not bad.

YUMI Pero mukhang malabo yung stint ko sa movies.
Tough ang competition e. Saka mahina ang manager ko.
Panay hosting at pictorials ang nakukuhang raket para
sa akin. Papalitan ko na nga e. Pag nakaipon
ako, baka magtayo na lang ako ng botique.

JIGS (Magbibiro) Ayaw mo mag-bold?

YUMI Yuck!

JIGS Lahat ng gustong mag-artista doon dumadaan.

YUMI May talent naman ako kahit papano a!

JIGS Lahat naman ng bold star may talent a! Sa dibdib!
(Tatawa)

YUMI (Hahampasin ng unan si Jigs) Bastos ka talaga!
Akala ko goody-goody ka...Hindi ko papatulan ang
pagbobold kahit anong mangyari no! Kahit ganito ako,
may respeto pa rin naman ako sa sarili ko.

JIGS Ganito? Anong ganito?

Di sasagutin ni Yumi ang tanong.

YUMI These producers think all the people want is sex,
sex, sex! Kaya puro basura ang mga pelikula e. Wine pa
nga!

JIGS (Magsasalin ng wine) Bakit naman botique?

YUMI Hoy madaya ka na ha? Hindi pa ako lasing. Ako
na'ng magtatanong.
Ang korni mo namang magtanong. Bigatan naman natin
nang konti...Inom
ka muna.

Iinom si Jigs. Magsasalin siya ng bago.

YUMI Who was your first crush in the barkada?

Tahimik.

YUMI Haha! Bingo ka no? Bagal mo naman sumagot.

Iinumin ang wine. Magsasalin ng bago.

JIGS Lalaki o babae?

Tatawa sila pareho.

YUMI Dapat may time limit ito e.

Tahimik.

JIGS Hirap naman ng tanong mo.

YUMI Iyon nga ang maganda e. Para may thrill. As if
naman ibo-broadcast
ko sa barkada kung sino.

JIGS Wine pa?

YUMI Di mo pa sinasagot yung tanong ko, nagtatanong ka
na!

Magsasalin ng wine si Jigs kay Yumi.

JIGS Yung crush ko kasi...siyempre, sino pa ba? E di
yung pinakamaganda sa barkada.

YUMI Nge. Subjective yon no! Para sa'kin ang
pinakagwapo si Joel. Sa
babae, si Kay. Para kay Ronald, si Meg...
!
JIGS Yung literally na may dating walang
tanung-tanong. Yung kahit sinong tanungin mo sa tropa,
objectively, siya ang isasagot.

YUMI Jigs, twenty questions ang game natin. Hindi
guessing game. Ca'mon man. Play your own game. Pa'no
na kung truth or dare to e di
pahirapan na. Dadalawa na nga lang tayo e.

JIGS Yung commercial model.

Matitigilan si Yumi.

YUMI Wine pa nga.

Magsasalin si Jigs. Mag-iisip si Yumi. Iinom. Biglang
matatawa.

YUMI (Tumatawa pa rin) Talaga?

JIGS Sige, pagtawanan ba?

YUMI You can say it to my face, I won't bite. Bakit
hirap na hirap kang
sabihin kung sino? Takot kang ma-reject? Parang tanong
lang e...Wine pa nga!

JIGS Okay, 1 point ka na...

YUMI (Ngiti) Gee...thanks. Flattered naman ako. At
kailan naman nangyari ito?

JIGS Sorry, my turn to ask. (Ngingiti) Who is your
crush in the barkada...NOW?

YUMI E ginaya mo lang yung tanong ko e.

JIGS Hinde no. May qualifier ! ako. Ang sabi ko, NOW.
Ang tanong mo, first crush ko.

YUMI Korni pa rin. Alam mo, kung basketball 'to,
tambak ka na.

JIGS Just answer the question.

YUMI Siyempre wala. I told you, I don't have time for
these stuff. Kakabreak ko lang di ba?

JIGS Korni mo namang sumagot.

YUMI E korni yung tanong e. Pero kung
talagang-talagang kailangan kong
sumagot...hmmm. ..teka... sino nga ba? Sino ba'ng crush
material sa barkada? Wala akong maisip e. Ikaw na
lang.

JIGS Yung seryoso naman.

YUMI Seryoso ako. Ayaw mo yata e. Sige, iba na lang...

JIGS E napipilitan ka lang e.

YUMI Uy! Pa'no ba 'yan? MU na tayo? Crush mo ko, crush
kita...yiheee
(Tatawa).

JIGS Dati pa 'yon no!

YUMI Ay? Di mo na ko crush? Bakit, na turn-off ka? Ano
namang ginawa ko? Tsk. Tsk.

JIGS Is that your question na?

YUMI Oy, hinde! Ito naman...di ba pwedeng
mag-follow-up?

Iinom ng wine si Jigs.

YUMI Fine. Here's a little jui! cy question: Describe
your first kiss.

JIGS That's not even a question.

YUMI Arte mo. O: How was your first kiss like?

Matatawa si Jigs.

JIGS Wet.

YUMI Yuck!

Magtatawanan sila.

JIGS Alam mo, aksidente yung first kiss ko. Close kasi
kami nung isa kong kaibigan. Pag naggu-goodbye ako sa
kanya, parati ko siyang kini-kiss sa noo. E one time,
sa gym habang nagpapahinga, nakaupo siya sa sahig.
Tinatamad siyang tumayo. So bumaba ako nang konti para
halikan siya sa noo kasi pauwi na ako. E siya naman,
para maabot ko, medyo tumingala. E sakto, sa lips ko
siya nahalikan. Pareho kaming nagulat. Pero di pa kami
naghiwalay agad. Weird nga ang feeling e. Parang may
glue. Ayaw na namin maghiwalay pareho...

Tawa pa rin si Yumi

YUMI Awww. Ang sweet naman. Parang sa pelikula. Si
Krissy ba 'to?

JIGS Hindi. Hindi mo siya kilala.

YUMI So what happened? Nagkatuluyan kayo?

JIGS Nope.

YUMI Ha?

JIGS! Ewan ko ba. Complicated kasi yung situation
namin e. May boyfriend
siya noon. Ako naman, takot pa sa isang relationship.
Pero at least, na-discover namin na pareho pala kaming
may gusto sa isa¹t isa. Pero hanggang doon na lang.

YUMI What happened after?

JIGS We talked about it. We both decided na it wont
work. Tapos, bigla
na lang, hindi na kami nagkikita. And then, I met you
guys, iba na ang barkada ko.

YUMI Nakakatuwa naman.

JIGS Ikaw, pa'no yung first kiss mo?

YUMI Ikaw ang nagturo sa akin ng game na ito di ba?
Bakit ba lagi mong
bini-break ang rules? Di mo na pwedeng tanungin 'yan!

JIGS Tine-testing ko lang kung lasing ka na. (Iinom ng
wine) Okay, naka-warm-up na ako: What was the
naughtiest thing you ever did?

YUMI 'Yan ang mga tanong! Ano ba'ng ibig mong sabihin
ng naughty?

JIGS Bahala kang mag-define.

YUMI Hmmm...marami e...(matatawa) baka maeskandalo ka.

JIGS Kanina ayaw mo ng korni.! Ngayong medyo exciting
naman...

YUMI Eto na...I had two boyfriends at the same time.

JIGS (Nagulat) Hala.

YUMI I was with Joel and Zach at the same time.

JIGS Yikes. Alam ba ni Joel?

YUMI Kaya nga kami naghiwalay nun e. Nahuli ako
(matatawa).

JIGS Ano namang pumasok sa kukote mo't ginawa mo 'yon,
aber?

YUMI Nag-eexperiment lang ako. E sa type ko sila
pareho e. Ano'ng magagawa ko? Saka para may thrill.
Alam mo 'yon? Yung patago kang nakikipag-date sa isa
para di mahuli. Everyday pa akong nakakalibre,
kasi, alternate sila! (Tatawa) Akala nyo kayo lang mga
lalaki ang
pwedeng gumawa non?

JIGS How can you love two guys at the same time?

YUMI Who said something about love? Walang kinalaman
ang love dun. I
was...having fun!

JIGS Nainlove ka na ba, ever?

YUMI Nakakailang tanong ka na? It's my turn.

JIGS Don't you want to answer the question anyway?

YUMI My turn!

JIGS Kulang ka pa sa w! ine. (Tatawa)

Ubos na ang unang wine bottle. Kukuha si Jigs ng isa
pa sa ref.

JIGS Ang bilis nating uminom a.

YUMI Are you still a virgin?

JIGS Whoa! Where did that come from?

YUMI That's my fourth question.

JIGS (Magsasalin ng wine sa mga baso). Ano sa tingin
mo?

Ngingiti si Jigs. Tititigan lang siya ni Yumi.

YUMI Don't tell me, wala pang nangyayari sa inyo ni
Krissy hanggang
ngayon? Ilang taon na ba kayo?

JIGS Mag-tu-two years na sana next week.

YUMI So virgin ka pa? I don't believe it!

JIGS Mukha ba akong tarantado?

YUMI Mukha kang nagpapaiyak ng babae e.

JIGS Insulto ba 'yon?

YUMI Compliment 'yon, tanga.

JIGS Ah, okay. Thanks.

YUMI Pero, you mean, you never felt the urge to do it?

JIGS Alin? Sex?

YUMI Wow! Nasabi rin niya!

JIGS Of course I always feel it. Natural lang 'yon sa
tao no? Nasa iyo
na lang 'yan kung anong gagawin mo sa urge na 'yon.

YUMI E natural naman pala e. Bakit mo pinipigilan? I
mean, pag naiihi ka, iihi ka. Pag nagugutom ka, kakain
ka. Pareho lang 'yon, di ba?

JIGS Pag naiihi ka, iihi ka dahil kailangan mong
umihi. At hindi ka iihi kahit saan. Pupunta ka sa
banyo. Pag nagugutom ka, kakain ka dahil kailangan. At
hindi mo kinakain ang lahat ng pagkain na ihain sa
iyo. Pag di ka gutom, di ka kakain. Pag di mo gusto
yung pagkain, di mo gagalawin. Ang aso, pag may
nakitang pagkain diyan, walang tanung-tanong. Lalamon
'yan.

YUMI And sex is the same?

JIGS Lahat ng bagay, nilalagay sa lugar. May context.
At least, yun ang
nagpaiba sa atin sa aso.

YUMI Grabe ka namang magsalita. Para mo na ring
sinabing lahat ng nakikipagsex, aso ah!

JIGS Sinasabi ko lang, pag wala sa tamang konteksto,
mali.

YUMI And what is that context?

JIGS Matanda na tayo. Ayokong maging preachy. Alam na
natin 'yan.

Tahimik.

JIGS Kaso, kahit alam na natin,! minsan di pa rin
natin ginagawa.

Tahimik.

JIGS Masarap e. Sino bang ayaw nun?

Tahimik.

YUMI (Medyo nairita) So feeling mo santo ka at dapat
kang i-congratulate for being a virgin!

JIGS Sinasabi ko lang ang pinaniniwalaan ko.
Ineexplain ko lang kung bakit di ko ginagawa. May
kanya-kanya tayong dahilan. Di ko pinipilit kahit
kanino ang mga paniniwala ko...No need to get so cross
about it, Yumi.

Tahimik.

JIGS It's not about being a virgin or not. It's about
putting things into their proper places.

YUMI I'm not arguing with you.

JIGS Me neither. I'm just answering your questions.

Matagal na katahimikan.

Ngingiti si Jigs. Titignan niya si Yumi na medyo
nairita sa nakaraang train of conversation nila.
Magsasalin siya ng wine para kay Yumi.

JIGS Nasobrahan ka na yata sa wine e. (Tatawa) You
still wanna go on with the game? Nine pa lang tayo,
eleven more to go. (Ngingiti)

YUMI Shoot me.

JIGS ! Who was your first lay?

YUMI (Hahampasin ng unan si Jigs) Ang bastos mo
talaga! So inaassume
mo na hindi na ako virgin?

JIGS E sabi mo kasi, walang thrill ang game pag walang
nananalo e. So I
guess I'm winning. Saka wala naman akong inimply na
ganun a! I'm
just hitting two birds with one stone. Kasi kung
virgin ka, e di simple lang ang sagot: wala. Kung
hindi naman, e di sino?

YUMI Ang daya mo.

JIGS Akala ko ba ayaw mo ng korning tanong.

YUMI You think I'll answer that after giving your
sermon, Father Jigs?

JIGS Ano ka ba? Inexplain ko lang yung personal
reasons ko. Kung ano
man ang sa iyo, I'll respect them as well as I know
you respect mine.
I'm no saint. I'm just trying to get to know you
better. (Ngingiti)

YUMI How do you do that?

JIGS Alin?

YUMI I should have walked out on you kanina pa pero
the way you say things...parang bumabaliktad
sa'yo...makes you more...charming. Kung
ibang tao ka siguro, ! di na kita kakausapin.

JIGS You can't walk out. We're locked here for three
days except for meals.

YUMI So I'm forced to like you para di masira ang
vacation ko.
(Ngingiti)

JIGS You don't have to answer my question if you don't
want.

YUMI I guess I'll be honest with you as you were
honest with me...

Tahimik. Iinom ng wine si Yumi.

YUMI Di mo siya kilala. His name was Robert. He was my
first boyfriend.
It was Senior Prom Night. Alam mo na...typical senior
prom story. Everyone wants to lose it on prom night.
Everyone thinks na pag prom night, it was something
special. We went out sa hall nang maaga. We made out
sa kotse niya. One thing led to the other. Tapos,
yun...yun na. We went back just in time for the
awarding of the prom queen. Guess what, I won pa.
(Mahinang tawa)

JIGS What was it like?

YUMI Now that I look back, it isn't as special as I
thought it was. Pero it was different then. Back then,
we were just led by o! ur passions. Alam mo yon? Andun
ka na. Hormones raging wild. Passions and Ideals are
confused. Akala mo love, yun pala, curious ka lang
pala. Akala mo yun na yon. Akala mo you are in-love at
lahat ng gawin mo tama. Lahat ng gawin mo perfect.
Everything was magical...well, almost.

JIGS Almost...?

YUMI Sa next question mo na 'yan. Ako na.

JIGS (Pabiro) Wine pa? Kulang ka pa yata e.

YUMI Nilalasing mo ko no? May balak ka sa'kin no?
(Tatawa)

JIGS Is that your question? Sasagutin ko na. (Tatawa)

YUMI Engot. Hindi 'yon. Here's something na curious
lang ako. Kasi I've
been hearing things...saka you've hinted on it na rin
kanina...Are you still with Krissy?

JIGS Hindi na.

YUMI Since when?

JIGS Two, maybe three weeks ago?

YUMI Sino'ng nakipag-break?

JIGS Pareho kami.

YUMI Why?

JIGS Maraming dahilan, actually. Naisip na lang namin
na it won't work.
Isa na don, magkaiba kami ng gu! stong mangyari sa
buhay. Magkaiba kami ng mga pinaniniwalaan.

YUMI Like what?

JIGS Marami.

YUMI At ngayon mo lang nalaman iyon after two years
with her?

JIGS People change, Yumi.

Tahimik.

JIGS Right before graduation, she asked me to move in
with her.

YUMI Talaga?

JIGS Sabi niya, doon na naman din daw papunta ang
relasyon namin. Might as well practice na raw for the
real thing. Tutal, she's working na
naman, ako naman bagong graduate, we should try out na
raw living together if it'll work for us.

YUMI Natakot ka sa arrangement?

JIGS Hindi naman sa natakot. If you love someone, ano
pang ikakatakot
mo, di ba?

YUMI E bakit umayaw ka?

JIGS It's just that, it's not my thing.

YUMI Sabi na nga ba e, bakla ka no? Sinasayang mo ang
opportunities!
(Matatawa)

JIGS Hindi ako oportunista. At lalong hindi ako bakla.

YUMI Fine.

JIGS Naisip ko lang na hindi pa pala ako handa s! a
mga ganitong bagay.
Wala pa sa isip ko ang ganon. Na-shock siguro ako sa
reality na iyon na nga ang next step sa relationship
namin. I mean, two years of being
together and knowing each other, we're practically
ready to get married, if you know what I mean. Pero I
realized, I'm not ready for any of these. Narealize ko
how immature I am. Na iba yung ideals ko two years ago
sa ideals ko ngayon. I need to mature some more to get
into this things smean, getting married. Diyos ko,
ilang taon lang ba ako...

YUMI Maturity has nothing to do with age.

JIGS But it has a lot to do with time.

Tahimik.

JIGS So I thought, bakit kailangan ng practice mode?
Ibig sabihin, pag sumablay kami, split na kami? Live
like a couple minus the commitment?
Pa'no pag nawala na yung magic? Goodbye na?

Iinom ng wine si Jigs.

JIGS Kung kasal na, kasal na. Wala nang practice. I
think that's the real cowardice. Yung i-try muna natin
kung it will work kasi takot! kayo na baka hindi
maging successful ang outcome. Saan na napunta ang
excitement ng buhay? Kaya nga kayo in-love, para sabay
kayong humarap sa totoong buhay, sa hirap at ginahawa,
di ba? (Matatawa) Hindi yung pagpapraktisan muna ninyo
para siguradong ginhawa lang.

Magkikibit-balikat lang si Jigs.

YUMI Are you always like that?

JIGS Like what?

YUMI So cerebral in everything. Kahit pagdating sa
relationships.

JIGS Life is too precious para lang daanin sa trial
and error.

Ngingiti si Jigs. Tahimik.

YUMI So, No hard feelings?

JIGS Friends pa rin kami. She still calls me up nga sa
bahay e.

YUMI That's nice.

JIGS Kayo, bakit kayo nagbreak ni Carlo?

YUMI That's your sixth na ha?

JIGS Sure.

YUMI Alam mo, ironic para sa akin yung break-up namin
ni Carlo. And the
funny thing was, it was about...sex. Uy, sa atin lang
ito ha?

JIGS Of course.

YUMI Kasi nga, I was looking for that magic ng! a di
ba? I wanted to be in a relationship na special naman.
So of all the boyfriends I had, sa
kanya lang ako walang sexual relationship. As in
nag-aabstain talaga ako. Kasi parang naisip ko, para
magkaroon naman ng meaning yung "making love" di ba?
Parang, dapat di mo parating ginagawa, at ginagawa mo
lang when you are sincere with yourself and with your
partner. So I was investing muna emotionally. And I
was actually starting to care about him. Yung, hindi
ko na iniisip yung sarili ko. Yung siya lang ang
inaalala ko. Akala ko perfect na...

JIGS Anong nangyari?

YUMI Patunayan ko raw na mahal ko siya. Magbigay daw
ako ng proof. Pagbigyan ko raw siya. Sabi ko sa kanya,
hindi pa ba sapat na proof 'yon? Na I'm saving myself
for that right moment, that special moment between us?
Alam mong ginawa? Nilayasan ako!

JIGS You deserve someone better.

YUMI Talaga!

YUMI Isipin mo, kung kelan naman I grew tired of
meaningless sex, when
I'm looking fo! r the real thing, saka naman mawawala.
Ang ironic ng buhay no?

JIGS That¹s the way we must learn.

YUMI Alam mo, kung tutuusin, never ko pang
na-experience yung tunay na
mag make-love. And I had to go all through those
relationships para lang ma-realize yun. At least,
ngayon, alam ko na ang hinahanap ko.

Iinom ng wine.

YUMI Ikaw ba, importante sayo na virgin ang
mapapangasawa mo? How
do you see virginity ba?

JIGS Alam mo, di ko pa napag-isipan 'yan. Pero now
that you've mentioned it...It doesn't matter kung
virgin ang mapangasawa ko o hindi. Of course I value
virginity a lot. I treat it as the only real gift I
could give to my wife to be. Imaginin mo na lang di
ba, kung wife ko ang una ko. It's like the perfect
wedding gift I could give to her. Pero kung siya
hindi na virgin, I wouldn't care. As long as mahal ko
siya. Kasi I don't expect her to give me the same
gift. I don't do something because I expect people to
do the! same to me. Ibigay niya sa akin ang sarili
niya nang buong-buo, sapat na sa akin 'yon. Masaya na
ako sa ganoon.

YUMI (Mapapangiti si Yumi.) You know, that's the
nicest thing I ever heard from a guy. That's why I
always enjoy talking to you. You always say the nicest
things.

JIGS Wow. Salamat. E ikaw, is making love to you equal
to love?

YUMI I always took sex and love as opposite ideas. I
mean, after the first time na...you know...sa Senior
prom. Kasi afterwards, we broke up na ni Robert. Tapos
naisip ko, yun na ba yung love? Baka hindi love yung
naramdaman ko. Baka napagkamalan ko lang siyang love.
I was just after the pleasure of intimacy. And then I
felt empty. So empty. That's why I wanted to change. I
wanted to believe in "making love." And I'm still
looking for it. Yung magic. Yung feeling mo, tao ka
pala. I never felt that kahit isang beses. Men have
penetrated my body but never my soul. And I wanted
that. I wanted someone to touch my soul. T! o "make
love" to my soul through my body. Pero siguro, naging
numb na'ko sa dami ng relasyong pinagdaanan ko. Hindi
ko alam kung mararanasan ko pa iyon. That's why I envy
you.

Tahimik.

YUMI Sa tingin mo may pag-asa pa ako?

JIGS You still have your soul...(Ngingiti)

Tahimik.

YUMI With whom would you want to experience it?

JIGS Of course, sa asawa ko.

YUMI I mean, someone in particular. Take it as my
seventh question. So give a name.

JIGS A name? Hindi ko alam. Basta kung sino ang
magiging asawa ko.

Tahimik. Magkikibit-balikat si Yumi. Iinom ng wine.

JIGS Well, I always thought na it was Krissy. And
then, it was just gone. Of course I loved her. And I
still do. Pero the magic was just gone after we both
found out na magkaiba kami ng mga prinsipyo sa buhay.

Tahimik.

JIGS My turn?

YUMI Shoot me.

JIGS Tell me something... a secret. Yung wala kahit
isang nakakaalam.

Matagal na katahimikan.

JIGS You trust me naman di ba?

YUMI Well, you've earned it, alright.

JIGS Saka wala akong tinatago sa'yo. Sinagot ko lahat
ng tanong mo as
honestly as I could. (Ngingiti)

YUMI I uhm...

JIGS Yes...?

YUMI I need more wine.

Magsasalin si Jigs ng wine.

JIGS Take your time. We have less than fifty hours to
go.

Iinom ng wine si Yumi.

YUMI I'll tell you something no one in the world knows
except one other
person. And that person probably forgot all about me
already.

JIGS (Pabiro) What? You had sex with a stranger?

YUMI Ano ka ba?

JIGS Biro lang. Seryoso na.

YUMI Promise ha? Hindi ito lalabas.

JIGS Promise.

YUMI If this goes out, I will hunt you kahit sa
libingan mo. Huhukayin kita at papatayin kita ulit.

JIGS Mamatay man ako ngayon.

YUMI Okay...(Pause) I...I was with Joel then...
(Magiging mas seryoso ang tono niya) ...and Zach. I
wasn't ! really with Zach, I was just going out with
him pag wala si Joel, alam mo na...making out and
stuff...Well, anyway, I was kinda serious din naman
with Joel that time. Joel and I were...you
know...doing it. And...

JIGS And...?

YUMI Uhm...I...uhm. ..I got pregnant.

JIGS What?

Tahimik. Iinom ng wine si Yumi.

YUMI I uhm...!@#?. Hindi ko naman talaga ginusto e.
Uhm...Two months akong delayed...then I took that
test. I found out na buntis nga ako...and Joel found
out about Zach (maluha-luha na) and I didn't know
what to say, you know? Maniniwala ba naman sa akin si
Joel na naaliw lang ako kay Zach? Na I didn't really
love him? Na wala lang iyon? And so he broke up with
me and...I..uhm. ..I was afraid and uhm...(Magsisimula
siyang magbreak-down)


JIGS It's okay...

YUMI I uhm...hindi ko na alam ang gagawin ko, Joel
left me. I wanted to tell him about the baby to make
him come back but I don't think he'd believe me after
the thing w! ith Zach...and.. .my parents are gonna
kill me if...!@#?. (iiyak)

JIGS (lalapit kay Yumi para i-console ito)
Ssshhh...you don't have to tell me this if it upsets
you...

YUMI And so I went to a clinic...(hahagulgo l) I didn't
mean to, Jigs.I wasn't myself then. And I felt so
afraid. So alone...

JIGS Tahan na. Ssshhh...

Iiyak lang si Yumi kay Jigs. Yayakapin ni Jigs si
Yumi.

JIGS Alam ba 'to ni Joel?

YUMI How can I tell him? The only other person na
nakakaalam ay yung duktor sa clinic. God...(iiyak) Oh
God...

JIGS It's alright...

Hihimasin ni Jigs ang likod ni Yumi. Patatahanin niya
ito. Matagal silang nakaganito lang.

Matagal na katahimikan.

YUMI Can you get me my yosi?

Tatayo si Jigs. Pupunta sa may side table sa tabi ng
kama. Kukunin ang Yosi ni Yumi. Magsisindi siya ng isa
at iaabot kay Yumi.

YUMI Thanks...

Matagal na katahimikan.

YUMI If we were...if we were the last two people on!
earth, would you consider doing it with me?

JIGS Doing what?

YUMI Alam mo na...

JIGS Alin? (Teasing ngingiti)

YUMI Gago mo. (Ngingiti)

JIGS Ngumiti rin.

YUMI So? Would you?

JIGS Alin nga? Di mo masabi no? Bakit di mo masabi?
(Pagtatawanan si
Yumi) Sabihin mo nga: Sex! Sex! Sex! Sex!

YUMI Shut up nga!

JIGS That's your eight na, ha?

YUMI I lost count. Answer it.

JIGS Why not?

Hihithit ng yosi si Yumi. Tahimik. Sasandal si Yumi sa
balikat niJigs.

JIGS If you could be something else, what would you
be?

YUMI I dunno...maybe a violin...yeah. Violin siguro.

JIGS Bakit?

YUMI I always saw the relationship of a violin and its
player as very intimate. Pag tumutugtog ang violinist,
ang nakikita ko at naririnig ko, he strokes the soul
of the instrument and the instrument penetrates the
soul of the player. Para silang nagmi-m! ake love. Di
ba? Very sexy, very intimate, very sublime. Di ba?
Pareho silang sincere sa isa't isa. Dahil kung hindi
sila sincere, walang music na mabubuo. The violin
surrenders her body to her player, her whole body and
her whole soul, in full trust and sincerity. Di ba,
compared to the sound of the other instruments, ang
tunog ng violin parang isang naked woman? A naked
woman in surrender? I want to be a violin. I want to
be stroked in the soul. I want to make sincere music.
I want to experience the sound of love.

Tahimik.

JIGS Lalim nun ah. (Ngingiti)

YUMI Pa'no mo malalamang in-love ka na?

JIGS Paano? I don't think there's a formula to that.
Basta malalaman mo
na lang. I mean, ilang beses lang ba nangyari sa akin
'yon? I'd like to believe na yun na nga 'yon...yung
kay Krissy...

YUMI Kwento mo nga...paano mo narealize dati na mahal
mo nga si Krissy?


JIGS Alam mo nakakatawa.. .korni actually. Babalik na
naman ako sa pagiging korni ! nito e. Di ba ayaw mo sa
korni.

YUMI Sige na. Hindi na kita aasarin.

JIGS I heard bells.

YUMI Ano?

JIGS Seryoso. Bigla na lang, habang nag-uusap kami,
may narinig nalang
akong bells, tapos music. Ewan ko kung iniimagine ko
lang 'yon pero yun ang nangyari. Nakakatawa nga e.
Parang kanta ng Beatles.

YUMI Seryoso ka ba?

JIGS O baka naman nagkataon noong oras na yon, may
nagkakantahan sa kung saan sa school. Basta may
narinig akong bells. Tapos napangiti ako. Pagtingin ko
sa mata niya, iba na ang nakikita ko. Hindi ko na siya
nakita as kabarkada lang. Biglang parang may magic.
Hindi ko ma-explain. Baduy pero ganun. Tapos I just
seized the moment. Umamin ako. A week later, kami na.

YUMI Korni nga. (Matatawa)

JIGS Korni talagang pakinggan. Pero pag nandun ka na.
Pag naranasan mo na, feeling mo, hindi na korni.

Ngingiti si Yumi. Tahimik.

YUMI Alam mo, may times na parang tunog violin ang
boses mo. O lasing
lang ako?

Tahimik.

JIGS I'm into my last question.

Iaangat ni Yumi ang ulo niya.

YUMI Shoot me. Better make it good.

JIGS If you were again to be the next victim of this
tradition, if you were to be locked up in this room
again...who would you want the next guy to be?

YUMI (Mag-iisip) I want someone whom I could talk
to... Yung makukwentuhan ko ng mga sikreto ko. Yung
may sense makipag-usap. Yung may laman. The violin
player who'd stroke my strings...not even.
Yung mapapatunog niya ang strings ko without even
touching them. (Tahimik)
Lumuluwag na ang dila ko...kung anu-ano na ang
nasasabi ko.
(Ngingiti)

Tititigan lang ni Jigs si Yumi. Tahimik.

YUMI Siyempre yung masarap kausap.

Tahimik. Hindi makatingin si Yumi.

YUMI Yung kahit habambuhay wala kaming gawin kundi
mag-usap... I think
it's better than making love.

Mapapatingin si Yumi kay Jigs.
YUMI Gosh I want to kiss you so badly.

Matitigilan siya.

YUMI I can't believe I just said that.

Tahimik. Titignan niya ulit si Jigs.

YUMI Don't you want to kiss me?

Pause. Titignan siya ni Jigs sa mata.

JIGS Is that your last question? (Ngingiti si Jigs)

YUMI Yes.

DILIM

 

  © 2009 Free Erotic Stories, True Erotic Stories, Adult Erotic Stories

True Contemplation Blogger Template by M Shodiq Mustika